Sunday, May 16, 2010

AlONE (Chapter 8)

Sampung taon na ang nakalipas mula nang makalaya si Clarissa. Magmula nung nagpaalam si Lorraine ay hindi na sila nagkita ulit. Nag-asawa si Clarissa ng isang manager sa isang restaurant na middle class. Nagka-anak sila ng lalake at pinangalanan niya itong Lucas Lawrence. Lucas mula sa taong mahal ni Lorraine at Lawrence mula sa pangalang naitawag noon kay Lorraine.
Hindi pa rin nakakatakas si Clarissa sa nakalipas. Mahal nga niya ang asawa niya pero mas higit ang para kay Lorraine. Kahit ipasok niya sa isip niya na pagmamahal bilang kaibigan lang iyon, madalas niyang hindi nakukumbinsi ang sarili niya.
Ano nga ba ang nangyari sa kanilang dalawa matapos ang sampung taon?
Clarissa studied for college. While taking a part-time job, she met his husband at wala pang isang taon ang relasyon ay nagpakasal na rin sila. First year college nu'n si Clarissa and she's 32 years old while her husband was 29, turning 30. After finishing her chosen course, B.S. in Psychology, she tried to find Lorraine pero nag-give up din dahil masyadong busy ito sa buhay at may anak na rin siya. She just focused on her job as a mother and as a psychologist.
Halos lahat ng desisyon niya sa buhay ay may koneksyon kay Lorraine. Ang pangalan ng anak, ang course niya (naniniwala siyang kapag yun ang kinuha niya, maaalis na ang bisexuality niya), ang pagtuturo sa anak niya na pansinin ang koneksyon ng mga maliliit na bagay sa buhay ng tao at iba pa. Hindi alam ng asawa niya ang nakaraan niya. Natatakot si Clarissa na ikahiya siya.

What about Lorraine?
Lorraine became a writer but used a pseudonym. She used Laura Collins. Laura was from her name Lorraine. LORRAine. She made it Laura since the spell looks more pleasing than Lorra. Naging popular ang novel niyang "Hair Strand". Tungkol iyon sa dalawang matanda telling their tales of love. How they met, how they fell in-love, how they started a family and up to present, their love for each other never dies until the end. Ang ideyang ito ni Lorraine ay mula sa pag-kokonekta niya sa hair strands sa love niya for Luke.
She became successful, except for love life. Wala na rin siyang balak mag-asawa dahil tulad ni Clarissa, nakakulong pa rin siya sa nakaraan. A famous writer, businesswoman pero ang kino-consider niyang pinaka-tagumpay sa buhay niya ay ang pagre-reunite nila ni Carlo at ang tatay nila. Sa pagkikita nilang iyon, naliwanagan ang tatay nilang may brain cancer. Kinalaunan, namatay na rin ito. Pagkatapos mailibing, nasabi ni Carlo na si Lorraine na lang pala ang hinihintay ng tatay nila kaya't nilalabanan niya ang sakit.
Opisina, bahay, opisina at bahay. Yun lamang ang mga lugar na pinupuntahan ni Lorraine. Naging workaholic siya magmula nung naging professional siya. Kung minsan, bumibisita siya kila Mr. and Mrs. Collins. Malaki ang pasasalamat niya sa mga ito dahil kung di dahil sa trabaho nila sa pamilya nila Carlo, malamang hanggang sa kasalukuyan ay naghahanap pa rin siya.
Siya ang naging tagapag-mana sa malaking parte ng kumpanya ng tatay nila ni Carlo. May sarili rin kasing kumpanya si Carlo at hindi niya makakayanan kung mamanahin niya pa ang kumpanyang itinayo ng ama. Ito na rin ang bayad sa mahabang panahon na pagkakawalay nila Carlo kay Lorraine.
Pero para kay Lorraine, hindi sapat na kabayaran ang pamanang iyon. Pero dahil binabago na niya ang ugaling masama, nagpasalamat na lang siya dahil sa pamana sa kanya.

At ito ang naging buhay nilang dalawa. Magkikita pa kaya ulit sila ngayong papuntang Pilipinas si Lorraine?

No comments:

Post a Comment