Saturday, May 8, 2010

AlONE (Chapter 4)

Tok-tok-tok. May kumakatok sa pintuan ng condo unit ni Clarissa. But she didn't hear it. Or wala talaga siyang balak buksan ang pinto. Finally, the person who knocked spoke.
"Ms. dela Cruz, there's a mail for you from Carlo Escueta." Then, the messenger of that condominium knocked again. On his third knock, Lorraine already opened the door.
She was on her robe. It looks like she's readying for bed wherein fact, she's reading the diary which Clarissa gave. She was holding it by the time she opened the door. Nakipag-titigan muna siya sa messenger bago siya nagpa-thank you. Pa'no ba naman, suminghot ng malalim yung messenger sa sobrang bango ni Lorraine.
"Pag nakikita kita, lagi kang bagong ligo. Ilang beses ka ba naliligo?" nakangiting sabi nung messenger. Para bang nang-iinis or nagco-compliment.
"Thank you!" Lorraine slammed the door.
Mula nung araw na namatay si Luke, lagi na'ng mainitin ang ulo ni Lorraine. Kahit sa opisina, walang sinuman ang maka-attempt na kumausap sa kanya. Ultimo superior niya napapag-sungitan niya minsan. Pinayuhan na siya ni Mr. Collins that she needs to smile a lot specially in a country like this. Pagka-sabi ni Mr. Collins, Lorraine tried to smile pero halatang papilit lang. Pero kahit ganun pa man, ipinapakita niya ang dedication sa trabahong ibinigay sa kanya ni Mr. Collins. Dahil sa kanilang dalawa ng asawa nito, hindi siguro mararating ni Lorraine ang estado ng buhay niya ngayon. Mapera, may kasikatan konti sa larangan ng pagsulat at ang pagka-pulis niya.
Umupo siya sa kama niya at sumandal sa headboard ng kama. Ipinatong ang tandayan sa mga hita niya at binasa ang sulat ni Carlo.
Binuksan niya ang lampshade sa left side ng kama niya dahil ang right side lang na ilaw ang nakabukas. She took a deep breath pagkakuha ng sulat inside the envelope.

Lorraine (a.k.a Lawrence),
Naaalala mo pa ba ako? Sana sa kabila ng pag-iwan ko sa'yo hindi mo pa rin ako nakalimutan. I guess it's been 15 years nung nagka-hiwalay tayo. Mula nu'n alam kong wala ka nang balita sa'kin. But I've got news from you about your life.
Uy naman! Magna cum Laude ka pala sa Harvard. At balita ko, you took two courses. Ang isa, about sa English while the other one is criminology. Balita ko pa na ilang beses kang na-promote sa pagka-police mo. I want to say congratulations for that. Kakaiba ka talaga.
Nagtataka ka siguro kung sa'n ko nakuha yung mga infos na yun. Well, honestly speaking, I've been observing your moves since I left you. Hindi ko na sasabihin ang pangalan niya. Pero alam kong alam mong patay na siya. At ibinalita sa'kin ng parents niya na ikaw ang nagpa-kulong sa taong pumatay sa kanya. Tama ka, tauhan ng daddy ko ang family ni Luke. Hindi talaga businessmen ang family nila. Tawagin na nating secret agents. Yung business na mina-manage nila sa'min yun lahat. Nagulat ka ba?
Hindi ko lang idea na sundan ang bawat kilos mo. Idea yun ni daddy. Alam niya kasing mag-isa ka na lang sa buhay. Alam niyang hindi ka nagtitiwala sa family ng parents mo. Mahabang storya pero I'm pretty sure na masasabi ko rin sa'yo one day. And I hope that it would be sooner or later.
My letter for you is getting long. I want you to remember na sa bawat pag-lakad mo, hindi ka nag-iisa. Wala man ako sa'yo para protektahan ka, andito naman ako. Nakikita ang bawat galaw mo.

Your loving half-brother,
Carlo

Napaiyak na lang si Lorraine. Hindi niya namalayang nababasa na pala ng mga luha niya ang sulat ni Carlo. Nakatulog siya pero nagising din siya. Naalala niyang babasahin pa pala niya ang diary ni Clarissa.
Magbabago pa kaya ang isip ni Lorraine ngayong unti-unti na niyang nararamdamang may kasama siya all this time? Na namatay man si Luke ay dalawa na ang nag-babantay sa kanya?
Isa lang ang sigurado sa ngayon, itutuloy niya ang pag-ganti kay Clarissa.

No comments:

Post a Comment