Dumating si Janno ng alas-diyes ng gabi. Nakita niyang nakatulog na sa sala si Clarissa kaya naman ginising niya ito.
"Ba't ngayon ka lang?" namumungay ang mga mata ni Clarissa habang pinipilit niyang bumangon.
"May kumausap sa'kin. Gusto niyang bilhin ang resto natin," umupo si Janno sa tabi ni Clarissa.
"O, anong ginawa mo?" tuluyan nang nakabangon si Clarissa.
"Binenta ko." Nakayuko si Janno habang umiiling.
"Ano?!" Biglang napatayo si Clarissa mula sa pagkaka-upo niya. "Ba't mo binenta? Alam mo kung ilang taon mong pinag-hirapan yon!"
"At hanggang ngayon," inangat niya ang kanyang ulo at tumingin kay Clarissa. Tingin na nakaka-awa, "hirap na hirap pa rin ako. Di ko lang sinasabi dahil ayokong mag-alala ka."
Umupo si Clarissa at niyakap ang kanyang asawa, "Ba't di mo sinabi sa'kin? Edi sana natulungan kita. Tandaan mo," tinignan niya ito sa mga mata, "mag-asawa tayo. We have to help each other all the time."
"Kahit siguro tulungan mo ako," iniwas ni Janno ang kanyang mga mata mula kay Clarissa, "wala pa rin. Wag kang mag-alala, sinabi naman nung pinagbentahan ko na dun pa rin ako magta-trabaho as chef." Muli, tumingin siya kay Clarissa at ito'y ngumiti.
"Sino ba yung nakabili?" nagtatakang tanong ni Clarissa.
"Lorraine. Lorraine dela Cruz ang pangalan niya."
"Lorraine dela Cruz!" gulat na gulat si Clarissa. Malakas ang kutob niyang si Lorraine na nga iyon. "Kinuha mo ba ang number niya?"
"Ba't parang gulat na gulat ka? Kilala mo ba siya?" tanong ni Janno habang binubunot ang wallet niya mula sa bulsa.
Napatahimik si Clarissa. Nasabi niya sa isip niya na hindi lang niya ito kilala. Minahal niya ito at hanggang sa kasalukuyan, may natitira pa rin siyang pagmamahal dito.
"O," ibinigay ni Janno ang calling card ni Lorraine, "binigay niya yan sa'kin. Magkikita kami bukas, gusto mong sumama?"
"Oo." Clarissa answered plainly.
"Lord, bukas magkikita na kami. Sana siya na nga si Lorraine. Sana makilala pa rin niya ako." Tuluyan na'ng nakatulog si Clarissa.
Monday, June 28, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment