Kinabukasan, pumunta sila Clarissa sa dating resto nila na ngayon ay sisimulan na'ng i-renovate into a new bar and restaurant. Marami kasing companies sa harap ng tsaraan kaya't alam ni Lorraine na kikita ito ng malaki lalo na kapag Fridays and weekends.
"Ah, andito na ba si Miss dela Cruz?" tanong ni Janno sa secretary ni Lorraine.
May nakasabit na sign na "Under Construction" sa pintuan ng dating resto. Naka-stand by ang secretary ni Lorraine sa labas at mukhang hinihintay si Janno.
"Yes. She's inside, let's go?" and the secretary assisted them inside.
Wala pa ang mga workers na mag-aayos ng building. Pero wala na ang mga gamit sa loob. Nagulat si Janno dahil parang ang bilis nilang mailabas ang mga gamit. Parang kagabi lang eh kumpleto pa ang lahat (yun nga lang, puro luma ang mga kagamitan) tapos biglang magic na nawala ang lahat. Dito napatunayan ni Janno ang nabasa niya sa Times magazine about Lorraine. "With Lorraine, everything is faster than light. Lorraine is the fastest living thing on Earth." Quote ng isang columnist as he described Lorraine. Bigla kasi ang pag-asenso ni Lorraine. Parang kabuteng sumulpot sa business industry. Napalago niya ng husto ang company na naipamana sa kanya.
"May ginagawa ba si madam sa loob?" tanong ng secretary sa taga-bantay ng building.
"Hindi ko lang po alam," sagot naman ng caretaker.
The secretary led them to where Lorraine is. Pero bago pa makarating eh may tumawag na sa secretary ni Lorraine. Pinapapunta ni Lorraine ang secretary niya at si Janno sa labas para i-meet ang magiging kasama ni Janno sa trabaho. Nagpa-iwan na si Clarissa at ang anak na si Lawrence sa loob dahil gusto nilang libutin ang dati ay kanila.
"Mommy, kelan mo ako bibilhan ng book ni Laura? Yung hairstrands." Nasa tapat ng isang maliit na kwarto ang dalawa. Ang hindi nila alam ay nasa loob ng kwartong yun ang writer at naririnig sila.
"Anak wala pa akong pera." Nang marinig ni Lorraine ang boses na iyon ay nabigla siya. Alam at kilala niya ang boses na iyon.
"Pero mommy diba binenta ni Daddy 'tong Tsaraan kaya may pera na tayo," Lawrence reasoned out.
"Pano mo nalaman yan?" nabigla pa si Clarissa. Sa loob naman ng kwarto ay tumatawa si Lorraine.
"Narinig ko kayo ni Daddy nag-uusap kagabi." Lawrence reasoned out habang nagkakamot ng ulo.
"Bawal makinig sa usapan ng matatanda ah!" Nainis si Clarissa sa anak nito.
"Di naman ako nakinig eh. Narinig ko." Muli, natawa si Lorraine sa loob ng kwarto. Nasambit niya sa sarili na matalino ang anak ni Clarissa.
"Dito ka lang at pupuntahan ko ang Daddy mo," at umalis na si Clarissa.
Nang maka-alis na si Clarissa, lumabas si Lorraine at nakita niya si Lawrence sa tapat ng pintuan. Mahitsura ang bata. Bilog ang mukha and his eyes are sparkling. His lips are firm katulad nung kay Clarissa. Kinausap niya ito.
"What's your name?" Lorraine knelt down as she asked Lawrence.
"Mom told me that I shouldn't talk to strangers," and Lawrence turned his back.
"I'm not a stranger. Ako ang bumili nitong resto niyo," iniharap ni Lorraine ang bata and she smiled at him.
"You're a stranger because I don't know your name."
Inside, napatawa si Lorraine dahil talagang matalino ang batang kausap niya. "I heard you asking your mom to buy you a book right?"
"Yeah," medyo natuwa si Lawrence. Feeling niya kasi bibigyan siya ni Lorraine ng libro.
"I know the author of hairstrand."
"Really? Who is she?" atat na atat si Lawrence.
"Me. Want a proof?"
"Ows?" Lawrence is doubting.
"I'll give you the original copy. But please, let's keep this as our secret ok?"
"Okay." Lawrence answered plainly.
Pumasok sa loob si Lorraine at kinuha ang isang file of papers na sobrang kapal. Pagka-labas ay nandun pa rin si Lawrence sa labas. She gave it to him and she told him, "Ipakita mo yan sa mommy mo ha?"
"Why? Do you know her?" Lawrence was receiving the papers.
"Yes. A lot."
Tuesday, June 29, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment