"Mommy, nakausap ko yung author ng Hairstrand!" tuwang-tuwa si Lawrence habang nagme-meryenda silang mag-ina.
"Nakilala? Baka impostor lang yun," hindi naniniwalang sagot ni Clarissa.
"Saglit lang po," umalis si Lawrence para kunin ang original copy ng Hairstrand sa kanyang kwarto.
Natatawa na lang si Clarissa dahil alam niyang imposibleng mag-reveal ng identity ang mga writers with pseudonyms. Ilang saglit pa, dumating na si Lawrence.
"Eto po, oh." Excited na inabot ni Lawrence sa nanay niya ang kopya.
Ito ay nakabalot sa isang transparent folder at makikita ang front page na puting-puti. Sa gitna ng papel na yun ay nakasulat ang title na "Hairstrands" ngunit hindi nakasulat ang pangalan ng author.
Habang binubuklat ni Clarissa ang folder, makikita dun ang katunayan na iyon nga ang original copy. Maraming bura, maymga pages na kulay blue ang tint ng ballpen at iba pa. Habang tinitignan ni Clarissa ang mga pages, unti-unti niyang naaalala kung kanino ang sulat na iyon.
"Anak, ano daw yung pangalan niya?" inihinto ni Clarissa ang paglipat ng mga pages pero naka-bukas pa rin ang folder.
"Hindi po niya sinabi. Pero kilala po niya kayo. Mommy, may idea ka po ba kung sino siya? Kasi kilalang-kilala po daw niya kayo eh," nagkakamot ng ulo si Lawrence.
"Ah, anak paki-describe nga siya." Bigla namang dating ni Janno. Ibinalita nito na magsisimula na ang trabaho niya sa susunod na buwan.
Kinabukasan, nagpuntang mag-isa si Clarissa sa ginagawang restobar. Hinanap niya si Lorraine sa secretary nito at itinuro naman siya sa opisina nito.
Naka-ayos na ang opisina. Wooden door ang pintuan na may nakasulat "Owner's Office". Puro puti ang walls papuntang offices ng restobar. Pumasok na sa loob si Clarissa. Air-conditioned ang kwarto at flat-screen ang monitor ng computer. Hindi pang-restobar ang opisina kundi mukhang opisina ng mga malalaking kumpanya.
Sa gitna ng opisina ay ang desk ng owner. Makikita ang upuan na nakatalikod mula sa pintuan kaya't hindi mo makikita kung sino ang naka-upo doon.
Umubo si Clarissa upang ipaalam na naroon siya. Nagulat siya nang biglang may nagsalita.
"May sagot ka na ba sa tanong ko?" sabay harap ng upuan.
Pagka-rinig pa lang ni Clarissa sa boses ay alam na niya. Nagbalik na ang babaeng dati ay minahal niya at may posibilidad pang bumalik ito.
Wednesday, July 7, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment