"Lorraine?" Hindi na nagulat si Clarissa. Natutuwa siya dahil nagbalik na ang taong may pinaka-malaking pwesto sa puso niya.
"Do you have answer to my question before?" Lorraine still rests her back on the chair while playing the fountain pen she was holding.
"Wala?" confused answer ni Clarissa.
"Wala o nalimutan mo na?" Lorraine stood up but didn't change place.
"Actually, hindi ko alam kung tama ba ang isasagot ko sa'yo eh," tinuro niya ang upuan in-front of Lorraine's desk and Lorraine let her sit.
"Answer it. Walang tama o maling sagot sa tanong ko. I'm just about to analyze what your opinion will be." Lorraine walked around on the left side of her desk. Sinusundan lang ni Clarissa ng tingin si Lorraine.
"Ang stars, kahit umaga andiyan pa rin yan. Di lang nga natin nakikita. Pag gabi naman nagsusulputan sila. Relating to our lives, kahit nasabihin nating nag-iisa lang tayo, maglalabasan pa rin ang mga totoong nagmamahal sa atin lalo na kapag we feel so obscure. Tama ba?" Clarissa was pressing the folder she was holding.
"Talaga lang ha," nangingiting sagot ni Lorraine. Umupo siya ulit sa kanyang upuan at tinignan lang si Clarissa.
"Ba't nga pala Hairstrands?" Naiilang si Clarissa kay Lorraine. Kung makatitig kasi ito parang nakakatunaw. Kagaya ng dati pa rin.
"Basahin mo. Binigay ko sa anak mo yung original copy." Ang pag-uusap nila ngayon ay parang may barrier na nakaharang sa gitna. Ilang taon din kasing nawala si Lorraine. Kung isang segundo nga may nagbabago na, ilang taon pa kaya.
Nakakabingi ang katahimikan sa loob ng opisina. Hindi malaman ni Clarissa kung anong topic ang i-oopen niya kay Lorraine samantalang si Lorraine naman ay nakatingin sa orasan na nasa lamesa niya. Maya-maya pa ay binasag na ni Lorraine ang katahimikan.
"Dedicated para sa'yo ang Hairstrands. Tignan mo ang kopya nun that is being sold worldwide." Nabigla si Clarissa. Kung hindi pa kakatok ang secretary ni Lorraine eh baka nahimatay na ito.
Friday, July 9, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment