Wednesday, July 28, 2010

AlONE (Chapter 14)

"Ma'am, you have an international call," said Lorraine's secretary.
"Tell him or her that I'm coming," and the secretary closed the door. Lorraine left Clarissa without uttering any words. Hindi alam ni Clarissa kung mag-iistay pa ba siya o lalabas na lamang.

Isang buwang hindi nagpakita sa restobar si Lorraine kaya't secretary niya muna ang nagma-manage ng restobar. Ipinatanong ni Clarissa kay Janno kung bakit isang buwan nang wala si Lorraine. At sa tuwing magtatanong naman si Janno sa secretary ni Lorraine ay hindi nito sinasabi ang dahilan.
Dalawang buwan at kalahati na ay wala pa rin si Lorraine. Hanggang sa isang araw ay biglang bumisita si Clarissa sa puntod ni Luke. Nagbabaka-sakali na makita doon si Lorraine. Hindi nga ito nagkamali. Parang isang paraiso ang libingan ni Luke. Maaliwalas ang paligid at maririnig mo ang sipol ng hangin kasabay ng sipol ng mga ibon.
Nakaputi si Lorraine. Para itong anghel sa paningin ni Clarissa. Atat na atat na lumapit si Clarissa kay Lorraine. Ngunit habang papalapit na si Clarissa ay nagulat ito ng biglang humarap sa kanya si Lorraine (nakatayo kasi si ito).
"Pa'no mo nalamang nandito ako?" Parang galit pa si Lorraine kay Clarissa.
"Kutob ko lang," umiiwas si Clarissa sa mga mata ni Lorraine. Ang mga matang dapat mong iwasan kapag umaapoy ito sa galit.
"Huwag mong sabihing hanggang sa States sinundan mo ako?" biglang ngumiti si Lorraine. Pero bakas dito ang kalungkutan.
"Nanggaling kang States? Bakit?" lumapit kaunti si Clarissa kay Lorraine.
Bigla-bigla, bumuhos ang luha ni Lorraine. Nakakaawa. Parang batang nawawala at hinahanap ang tahanan nito. Niyakap siya ni Clarissa at walang sinabing anuman.
"They are leaving me one by one." Sobrang sakit ang naramdaman ni Clarissa sa sinabi ni Lorraine kaya't pati ito ay napaiyak. "Patay na si kuya. Nabaril siya sa ulo. Akala ko kaya niyang lumaban pero sabi niya sa panaginip ko pagod na daw siya."
Tinignan ni Clarissa si Lorraine sa mga mata at nagtanong, "Then why are you here?"
"Malakas lang ang kutob ko na makikita mo ako dito ng nag-iisa. Gusto kong ikaw lang muna ang kasama ko. Please?"
Ngumiti na lamang si Clarissa at niyakap ulit si Lorraine.

No comments:

Post a Comment