Thursday, April 8, 2010

TriangGULO (Chapter 12)

I woke up alone in Lorraine's room. On a small table, may nakalagay na tray loaded with my favorite meals for breakfast. Attached to it was a letter:
Lagi mo na lang akong iniistorbo. Insensitive ka talaga sa feelings ng iba. Wag mo na'ng i-expect na lagi akong uuwi ngayon. Marami akong gagawin, at dahil yun sayo.

Lawrence
Lawrence? nabigla ako. Lawrence na ang gamit-gamit niya. That made me more jealous. Bakit? Tinatanong pa ba yun, eh that's how Luke calls her. I felt hatred towards Luke. How dare you! Asar! But I realized na wala akong karapatang maramdaman yon. Una, pareho kaming babae. Second, she's not committed to me. Kahit naman may pagka-boyish at masyadong sweet siya sa akin kung minsan, I know from the bottom of my heart that she's a girl. Pero mapipigilan ko ba ang sarili ko to feel that way?
I just ate the breakfast that she prepared for me. Sunod-sunod ang subo ko. Ganun ako pag naiinis, kakain lang ng kakain. Pero in fairness, ang hirap alisin ng inis na na-feel ko that time. I just realized, magmula nung first day of classes, di na siya sumasabay sa akin. Lagi siyang nauuna. I wonder, kumakain pa kaya siya ng breakfast? Kasi sobrang aga niyang umaalis and baka wala siyang time para kumain.

One month at wala pa ring pansinan. Siya lang naman ang umiiwas eh. Or baka yun lang ang feeling ko. She's always hanging around with Luke. Before, nagtataka ako kung bakit pag nasasalubong nila ako they are serious and when we passed by, biglang hinahampas ni Lorraine ang balikat ni Luke na parang may binubulong. I caught them doing that thrice. Pero umamin sa akin si Lorraine nung ok na kami na ako ang topic nila lagi. Na nagpapatulong sa kanya si Luke para ligawan ako. Na natotorpe siyang ligawan ako. Buti hindi nagsasawa si Lorraine.
One day, na-solo ko si Lorraine. Dun pa rin sa tinambayan niya nung first day. Nung nag-bato siya ng bato tapos she asked me if what's the purpose of stone. I always treasure her memories with me. Ganun na ako ka-obsessed sa kanya, at inaamin ko yun.
She was sitting alone and she's thinking deep (sana ako na lang ang iniisip niya). Nasa side na niya ako pero di pa rin niya ako pansin.
"Pwede ba kitang maka-usap?" I confidently asked her.
"Kinakausap mo na ako," nakatingin pa rin siya sa malayo.
"Ba't ba ganyan ka? Iniiwasan mo na lang ako lagi. Kapag nagkikita tayo, di mo ako magawang tignan-" she interrupted me.
"Bulag ang isang mata ko, kaya I have to concentrate in looking to my way."
"Bakit? Kahit din naman ako ah. Dalawa nga ang mata ko, pero isa lang ang makikita nito gaya ng sa'yo. Now tell me, bakit mo ako iniiwasan?"
"Ano," sumandal siya, crossed her arms and looked at me, "naman sa'yo? May dahilan ako na hindi pwedeng sabihin," that time, she's just staring at me.
"Bakit kasi di mo sabihin? Nasasaktan mo lang ako dahil di ko kayang may umiiwas sa akin (Lalo na ikaw pa. Sa dinami-dami ng tao)."
"Gusto mong malaman?" she's starting to raise her voice.
"Oo!" I shouted.
"Dahil sa'yo," she also shouted at me, "Naiirita ako 'pag nakikita kita. Masyado kang maarte. Konting bagay lang iiyak ka na. Lagi ka na lang nang-iistorbo. Ba't ka ba andito?!" sunod-sunod niyang sinabi yun.
"Gusto ko lang sabihin na before the test ang play. Ang auditions para sa pupunta ay bukas na. Isa pa, gusto kong makipag-deal sa'yo. Magiging tutor kita kapalit nu'n, sasabihin ko kay Daddy na ipagamot ang mata mo. Ngayon kung-" she did it again.
"Deal!" she paused for a while and said, "bakit ka magpapa-tutor?"
"Sinabihan na ako ng principal natin na kapag may isa akong bagsak sa test, ipapatawag ang parents ko. Parents Lorraine, parents. Di lang ang Mommy ko pati Daddy ko. Papano ko tatawagan ang Daddy ko eh nawalan ako ng communication sa kanya. Pati Mommy ko."
"Oh," then she half-smiled.
"Diyan ka na nga!" naiinis na talaga ako.
"Saglit," she stood up while I stopped, "every Wednesday, I'll be at your house to teach you. That ok?"
"Bahala ka," but deep inside me its not. Ba't di niya gawing everyday na lang?
I left her in her spot. I don't know what she did after I left.
Wednesday? That day's a Friday. 5 days seem long. And I can't wait.

No comments:

Post a Comment